TINGNAN: Nabaling poste sa Iloilo, dinaganan ang jeep, bahay

Hernani Escullar, ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 10:47 PM | Updated as of Aug 17 2019 11:38 PM

Nadaganan ng nabaling poste ang isang pampasaherong jeep at bubong ng isang bahay sa La Paz, Iloilo City. Hernani Escullar, ABS-CBN News

Nadaganan ng nabaling poste ang isang pampasaherong jeep at bubong ng isang bahay sa La Paz, Iloilo City, nitong Sabado.

Bandang alas-4 ng hapon nang nabali ang poste dahil sa malakas na buhos ng ulan sa lugar.

Isang kotse at multicab din ang naapektuhan sa insidente nang matabunan ang mga ito ng mga kawad ng kuryente ng poste.

Walang namang naitalang nasaktan sa insidente.

Nadaganan ng nabaling poste ang isang pampasaherong jeep at bubong ng isang bahay sa La Paz, Iloilo City. Hernani Escullar, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.